Ni GENALYN D. KABILING
Makikipagpulong ngayong Huwebes si Pangulong Duterte sa Malacañang sa mga rice trader sa harap ng napaulat na may artipisyal na kakapusan ng bigas sa bansa.
Inaasahang aapela ang Pangulo sa mga nasabing negosyante laban sa rice hoarding at sa ilegal na pagpapataw ng dagdag-presyo sa bigas, ayon kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.
“The President will be meeting with the rice traders tomorrow (Thursday) afternoon because the President will have to take on that,” sinabi ni Evasco, chairman ng National Food Authority (NFA) Council, sa news conference sa Malacañang.
“It was proposed by the Department of Agriculture Secretary (Manny Piñol) that rice traders should be called and that the President talk to them so that we can preempt whatever plans of these traders and we can ask the traders to help us rather than take advantage of a situation to make money at the expense of the consuming public,” ani Evasco.
Haharapin ng Pangulo ang mga rice trader makaraang sisihin ni Evasco ang pamunuan ng NFA sa pagdudulot umano ng kalituhan at panic sa publiko kaugnay ng umano’y kakapusan sa bigas sa bansa.
Sinabi ni Evasco na lumikha ang pamunuan ng NFA ng “ a r t i f i c i a l r i c e shortage”, sinabing dahil sa “irresponsible” na pahayag ng ahensiya, ang mga negosyante “withdraw the rice, to speculate on higher price of rice.”
Nang t a n u n g i n kung sisibakin bas a tungkulin si NFA Administrator Jason Aquino, sinabi ni Evasco na tanging si Pangulong Duterte ang makapagpapasya rito.
Muli ring nilinaw kahapon ni Evasco na sapat ang supply ng bigas sa bansa, at bago sumapit ang Hunyo ay darating na ang 250,000 metriko tonelada ng bigas na inangkat ng NFA.