Hinimok ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar kahapon ang mga rehistradong senior citizen sa lungsod, na samantalahin ang karagdagang mga benepisyong nakalaan para sa kanila.
Inihayag ni Aguilar na aabot sa 80,000 ang rehistradong senior citizen sa lungsod at mahigit 5,000 sa mga ito na itinuturing na mahihirap, ang nakatatanggap ng P500 buwanang allowance mula sa pamahalaang lunsod.
Ginarantiyahan din ang mga rehistradong senior citizen ng suportang pinansiyal sa pagpapaospital sa pamamagitan ng ‘Green Card’ program, na nagkakahalaga ng P40,000 kada indibiduwal, taun-taon.
Tuwing Lunes at Martes, may libreng sine rin ang matatanda sa SM Southmall, Robinsons Las Piñas, at Vista Malls.
Pinaigting ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa lungsod ang pagkakaloob ng medicine booklet at agriculture booklet para makadiskuwento sa gamot, bigas, karne, isda, gulay, at prutas.