Ni Annnnie Abad
NAKOPO ni Bernalyn Bejoy ang bronze medal sa katatapos na South East Asian Youth Track and Field competition sa Bangkok Thailand.
Sumabak sa 800m run si Bejoy kung saan tumapos siya ng kabuuang 2:14.45 sa orasan sa likod ng pambato ng Vietnam na si Thi KHanh Ny na tumapos ng 2:11.40 para sa ginto at ang pambato ng Timor Leste na si Angela Freitas de Faraujo sa oras na 2:12.29 at mailigtas ang Team Philippines sa pagkabokya.
Ayon sa coach ni Bejoy na sina Miguel at Addy Arca, ang nasabing kompetisyon ay magsisilbing qualifying round para sa gaganapin na Asian Youth Championship sa Hulyo.
Ikinasiya din ni Arca ang pagkapanalo ng 17-anyos na si Bejoy na pambato ng Negros, at consistent medalist sa Palarong Pambansa.
“Masaya po ako at naka bronze po siya sa 800m run, especially po naimprove niya ang best time niya na 2:15.06 sa handtime sa 2:14.45 sa electronic time. We are Looking forward to have a better results next dahil alam ko na kaya niya talaga,” sambit ni Arca.
“Kailangan lang lagi siyang masunurin sa mga payo ni coach at huwag kalimutan na magpasalamt sa Diyos. I know proud po lahat ng tao sa Negros sa achievement niya na ito.”
Samantala, tumapos sa ikaapat na puwesto ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Tara Borlain sa kanyang oras na 2:15.34.