SAN BRUNO (Reuters) – Isang babae ang namaril sa headquarters ng YouTube malapit sa San Francisco nitong Martes, na ikinasugat ng tatlong katao bago siya magbaril sa sarili habang nagtatakbuhan sa kalsada ang mga empleyado sa Silicon Valley tech company, sinabi ng mga awtoridad.
Hindi pinangalanan ng pulisya ang suspek o kung ano ang maaaring motibo nito sa pamamaril sa YouTube, ang video-sharing service na pag-aari ng Google ng Alphabet Inc na mayroong mahigit 2,000 empleyado sa mga opisina nito sa San Bruno, California.
Lumapit ang babae sa outdoor patio at dining courtyard sa campus dakong tanghalian at nagsimulang mamaril bago pumasok sa gusali, sinabi ng pulisya.
Iniulat ng San Jose Mercury News na sinabi ng mga awtoridad na tinatarget ng babae ang boyfriend nito dahil sa kanilang away.
Sinabi ng isang security official na walang koneksiyon sa terorismo ang nangyari.
Iniulat ng ABC News na ang suspek ay nasa 35 hanggang 40 anyos, taga-Southern California, at walang koneksiyon sa YouTube.