Ni Jun Fabon

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na “drug-free” ang 24 na barangay sa Valenzuela City.

Sa kabuuang 33 barangay, 24 na rito ay malinis na sa droga at itinuturing nang mas ligtas para sa mga residente.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kabilang sa drug-free na mga barangay ang Barangays Canumay East, Punturin, Bignay, Pasolo, Mabolo, Arkong Bato, Canumay West, Dalandanan, Lawang Bato, Rincon, Pulo at Malinta sa District 1, Mapulang Lupa, Maysan, Paso de Blas, Parada, at Karuhatan sa District 2.

Nabatid na nakasunod ang nabanggit mga barangay sa basic requirements ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 2, Series of 2004 guidelines para sa implementasyon ng Drug-free Workplace Program.

“All sustaining efforts will be done to keep these barangays drug-free workplace. We’re targeting to declare the remaining barangays at the end of this month”, ani DILG Valenzuela Director Mary Jane Nacario.