Ni Ador Saluta
INIHAYAG na ng GMA Network ang bago nilang teleserye na magsisilbing comeback ng dalawang aktor na katatapos lang magtrabaho sa ABS-CBN, sina Wendell Ramos at Adrian Alandy.
Makakasama nina Wendell at Adrian ang superstar na si Nora Aunor at sina Gardo Verzosa, Mikee Quintos, Vanessa del Moral, Kate Valdez at Enrico Cuenca at si Gina Alajar ang direktor nila.
Sa latest na panayam kay Wendell, kinumpirma niyang nakikipag-usap siya sa Kapuso people para sa nabanggit na proyekto.
“Right now, may upcoming deal with GMA. Parang work din again dito. Alam mo naman na lahat kaibigan natin. ‘Yung mga offers, grab lang tayo, sabi ni Wendell.
Ang huling naging proyekto ni Wendell sa GMA-7 bago siya umalis ay ang teleseryeng Jillian: Namamasko Po at ang Bubble Gang. Naging bahagi rin si Wendell sa katatapos na serye at top-rating na Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador.
Wala naman daw problema sa aktor kung palipat-lipat man siya ng network.
“Lahat naman, even ‘yung GMA din naman before. Alam mo, lahat naman ‘yan, as long as we’re doing our job na maayos, nagiging maganda ang feedback ng tao.
“I’m thankful, and thank you sa ABS na naging parte ako ng Wildflower.”
Kahit ilang buwan nang lumipas nagwakas ang Wildflower, tuloy pa rin daw ang komunikasyon ng buong cast ng teleserye.
“Yeah, oo, kasi one year kaming magkakasama. Saka good friends ko naman sila even before.
“Sila RK (Bagatsing), sila Joseph Marco, sila Vin (Abrenica), sila Aiko (Melendez), sila Kuya Pip (Tirso Cruz III), si Maja (Salvador).
“Magkakaibigan naman kasi kami.” sey pa ng aktor.