Ni PNA

HINIKAYAT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang iba’t ibang grupo na umaagapay sa mga taong may autism at iba pang kapansanan na tumulong sa mga Pilipinong nasa mababang sektor ng lipunan na may katulad na kondisyon.

“Together let us take it upon ourselves to advocate so that those who are disadvantaged brothers and sisters who have family members suffering from intellectual disabilities and other disabilities can also receive intervention expertise which will help empower them to improve their lives,” sinabi ni DSWD Undersecretary Maria Lourdes Turalde-Jarabe.

Sa pagdiriwang ng 11th World Autism Awareness Day (WAAD), na idinaos sa Araneta Coliseum sa Quezon City, ipinahayag ni Jarabe ang hirap na nararanasan ng mga magulang sa pag-aalaga ng mga anak na may autism lalo’t higit ang mahihirap na pamilya.

Nabanggit din ni Jarabe ang sarili niyang karanasan sa kanyang dalawang taong gulang na anak na may speech disorder.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

“We ourselves should work together to remove the barriers that is disabling us. We ourselves must reach out to them,” aniya.

Dagdag pa ni Jarabe, nais niyang ibihagi ang kanyang karanasan at nalalaman sa mahihirap na pamilya upang matutunan ng mga ito ang tamang pag-aalaga at pakikitungo sa kanilang anak o kapamilya na may kapansanang pang-intelektwal.

Bahagi ng selebrasyon ng WAAD ang seminar sa autism, pagbibigay parangal sa mga sumusuporta rito at ang pagpapailaw sa Big Dome’s green gate ng kulay asul bilang simbolo ng kamalayan sa autism. Ang “Light It Up Blue” ay programa ng UN na ginawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang pagsuporta at pag-unawa sa mga taong may ganitong kondisyon.

Samantala, ibinahagi naman ni National Council on Disability Affairs (NCDA) executive director Carmen Zubiaga ang kahalagahan ng pagprotekta at pagtataguyod sa karapatan ng mga taong may autism at ng iba pang batang may kapansanan pang-intelektuwal.

“We really have to educate the community. Sometimes they mix autism to those with psychiatric conditions, psychosis. But this is different. Persons with autism are high achievers and they are capable of taking a future at their hand if given the right rehabilitation and proper raising by the whole family,” paliwanag pa ni Zubiaga.

Ang NCDA ay bahagi ng ahensiya ng DSWD.