Ni Liezle Basa Iñigo

Iniimbestigahan na ng Quezon Police sa Isabela ang pagkakabaril sa isang sundalo ng Philippine Army, sa national highway ng Barangay Santos, Quezon, Isabela.

Sa panayam kahapon ng Balita kay PO3 Ronald M. Mangsat, kinilala niya ang biktimang si Maricel Wacnang, 29, nakatalaga sa 502 Brigade sa Suyong, Echague, Isabela at residente ng Bgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Si Wacnang ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Sa imbestigasyon, sakay ang biktima sa kanyang Honda XRM motorcycle nang lusutan at barilin ng mga salarin nitong Lunes.

Probinsya

Mga nakaparadang sasakyan sa Pampanga, nagliyab!