Ni REGGEE BONOAN

MULI na namang ipinasilip ni Sue Ramirez ang maganda niyang katawan sa ipinost niya sa kanyang Instagram account na naka-two-piece siya ng kulay maroon na ang background ay mga lantang talahib at nalalanta na ring maliit na puno ng niyog na sa tingin namin ay kuha sa isang out of town resort.

SUE copy

Pawang paghanga ang nabasa naming komento sa dalaga na umabot sa 3,698 at 432K naman ang likes.

May nagsabi pang bet si Sue ng husband ni @zarapiaangelafaith, “Wow sexy mo idol bet ka ng husband ko isa sa magandang artista.”

Relasyon at Hiwalayan

Barbie, flinex bonggang pa-flowers sa kaniya ni Richard; proposal na raw ba?

Natawa kami na pati singit ni Sue ay napansing makinis daw. ‘Kaloka ang followers ng aktres!

Nagulat kami dahil nang makita namin the other week si Sue kasama ang boyfriend na si Joao Constancia ay payat at flat-chested siya. Pero sa ipinost niyang litratong naka-two piece ay malaman siya at sexy talaga.

Kaya pala may mga kilala kaming artistang lalaki na crush ang dalaga pero hindi lang makaporma dahil may Boyband.PH nang nakabantay sa kanya, ha-ha-ha.

Anyway, sa umeereng kuwento ng Hanggang Saan ay nalaman na nina Anna (Sue) at Paco (Arjo Atayde) na magkakampi ang mga nanay nilang sina Sonya (Sylvia Sanchez) at Jean (Teresa Loyzaga) para pabagsakin si Jacob (Ariel Rivera).

Takang-taka si Paco at hindi lubos maisip kung paano naging magkasabwat ang dalawa dahil ang alam niya ay galit na galit ang mommy ni Anna sa nanay niya dahil sa paniniwalang ito ang nakapatay kay Edward Lamoste (Erik Quizon).

May nagtanong sa amin kung magtatapos na ang Hanggang Saan dahil nabaril na si Jean at nasakote na si Jacob ng mga pulis base sa umereng episode nitong Lunes.

Tinanong namin si Sylvia habang tinitipa namin ang balitang ito pero hindi niya kami sinagot. Sitsit naman sa amin ng taga-Dos ay hanggang katapusan pa ito ng Abril.