Mula sa Variety
NAGSAMPA ng kaso ang direktor ng Montauk, ang anim na minutong pelikula tungkol sa insidente sa Long Island beach, nitong Martes laban sa mga creator ng Stranger Things dahil sa umano’y pangongopya ng ideya.
Sinabi ni Charlie Kessler na ginawa niya ang short film noong 2012 bilang teaser para sa isang feature film na tatawaging The Montauk Project. Inilahad niya umano ang ideya kina Matt at Ross Duffer, ang co-creators ng Netflix sci-fi hit, nang magkita sila sa Tribeca Film Festival noong 2014. Ani Kessler, wala pang patutunguhan ang ideyang iyon nang mga panahong iyon, ngunit ginamit umano ito ng Duffer brothers ang bilang germ para sa Stranger Things, na nagsimulang umere noong 2016.
Gumagamit ang short film ng natagpuang footage upang maglarawan o magsalaysay ng istorya tungkol sa paranormal phenomena sa binisidad ng pasilidad ng gobyerno.
Umiikot din ang Stranger Things, na orihinal na ipinagbili sa Netflix sa ilalim ng titulong Montauk, sa supernatural phenomena sa government lab. Ang setting para sa show ay inilipat sa Indiana kalaunan.
Ang dalawang proyekto ay parehong nagmula sa ideya ng ng misteryosong nagaganap sa pasilidad ng gobyerno sa Long Island. Ang librong The Montauk Project: Experiments in Time, na inilathala noong 1992, ay nagsasalaysay ng mga itinago at iprineserbang memorya ng mga sekretong eksperimento ng gobyerno sa Camp Hero ng Montauk.
Ang mga bersiyon ng istorya ay umikot sa conspiracy sites sa loob ng maraming taon. Ilan sa mga Stranger Things cast ang nagpahiwatig ng koneksiyon, at sinabi sa Wired interview na ang show ay batay sa mga istorya tungkol sa Camp Hero.
Hindi pa nagbibigay ng komento ang Netflix.