CARMONA, Cavite – Maging sa mahabang distansiya, pinatunayan ng Smart Candy na kayang iwan ang mga karibal.

PINAKAIN ng alikabok ng Smart Candy (5) ang mga karibal na Wonderland (7) at Victorious Colt (8) tungo sa impresibing panalo sa 3rd leg ng 2018 Philippine Racing Commission’s 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race.

PINAKAIN ng alikabok ng Smart Candy (5) ang mga karibal na Wonderland (7) at Victorious Colt (8) tungo sa impresibing panalo sa 3rd leg ng 2018 Philippine Racing Commission’s 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race.

Sakay ang pamosong si jockey Kelvin Abobo, rumemate ang batang dark bay filly para maisalba ang huling hirit ng karibal na Wonderland at Victorious Colt tungo sa impresibong panalo sa 3rd leg ng 2018 philippine Racing Commission 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park.

Nakuha ng Smart Candy ang panalo sa 1,600-meter race sa bilis na isang minuto at 41 segundo. Mas mahaba ng 100 meters ang karera kumpara sa ikalawang leg ng torneo na pinagharian din ng premyadong alaga ng SC Stockfarm kamakailan.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Sa tingin ko, kaya niya makipag-compete sa mahabang distansiya. First time niyang tumakbo ng mile. Maganda ang pinakita niya,” pahayag ni Abobo.

Iginiit ni Abobo na naging madali ang ratsada ng Smart Candy dahil maaga itong umibis sa unang ratsadahan.

“Gusto niya sa harapan, kaya hindi kami masyadong nahirapan,” aniya.

Nakopo ng SC Stockfarm ang premyong P600,000 mula sa guaranteed purse na P1 milyon.

Ayon kay trainer Chito Santos, ang torneo ay bahagi ng paghahanda ng Smart Candy sa Triple Crown sa Mayo.

“Preparation niya ito for the prestigious Triple Crown, which I believe, 1,600 meters din ang first leg. Sinasanay namin siya dito,” sambit ni Santos.

Sa nakalipas na anim na karera na sinagupa mula Enero, nagawang manguna ng Smart Candy. Nitong Pebrero,nakuha niya ang 1,300-meter course para sa dalawang 3-year old races, dalawang 1,000-meter races nitong Enero sakay si Abobo.

Nakamit ng Wonderland (ni Herminio Esguerra, jockey Pat R Dilema), ang premyong P225,000, habang nakuha ng Victorious Colt (Jose Antonio Zialcita, OP Cortez), ang third place purse na P125,000.

Samantala, para mapangalagaan ang mga stakeholders sa panahon ng tag-init, ipinahayag ng Philracom ang ipinasang resolution sa pagbabago ng race schedules simula Abril 1 hanggang Hunyo 30.

Batay sa resolution, ang mga karera tuwing Sabado ay sisimulan ganap na 4:00 ng hapon at may maximum 10 races, habang sa tuwing Linggo, may maximum 12 races, at sisimulan ganap na 3:00 ng hapon.

Ang bawat karera ay limitado kabilang na ang Philippine Charity Sweepstakes, Philracom at iba pang sponsored races. Magkakaroon lamang ng dagdag na karera kung maaprubahan ang ‘request’ ng Philracom Board.