Ni Aaron Recuenco
Bukod sa disiplina at malinis na pangangatawan, ang pagpapa-tattoo ng mga pulis ay makahahadlang sa pagkakataon nilang makapagligtas ng buhay.
Paliwanag ni Chief Supt. Elpidio Gabriel Jr., executive officer ng Philippine National Police-Directorate for Police Community Relations (PNP-DPCR), sa isang organisasyon na binubuo ng mga miyembro na laging nasa panganib ang buhay, lahat ay kinakailangang handa sa lahat ng oras na mag-donate ng dugo sa mga sugatan nilang kabaro.
“We have elements who are always on the frontline of gun battles like the Special Action Force (SAF) and the Regional Public Safety Battalion (RPSB). And whenever we need blood for them, we would first ask for our fellow policemen,” sabi ni Gabriel.
“And the disadvantage of having tattoos, by medical advice, is that they are already not qualified to donate blood,” dagdag niya.
Una nang hinikayat ng isang mambabatas ang pulisya at militar na pagbawalan ang mga pulis at sundalo sa pagpapa-tattoo.
Tinutulan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang panukala, sinabing maaapektuhan ang tradisyon ng pagdidisiplina sa mga sundalo at pulis.