NAUDLOT ang biyahe sa Final Four ng Centro Escolar University Scorpion nang maungusan ng Batangas-Emilio Aguinaldo College, 89-87, nitong Lunes sa PBA D-League Aspirants Cup sa Pasig Sports Center.

Umabante ang Generals sa pinakamalaking 24 puntos, ngunit nagawang maibaba ng Scorpions mula sa 16-5 run sa krusyal na sandali ng final period. Ngunit, naisalba ng EAC ang huling ragasa ng opensa ng Scorpions.

Nakopo ng Batangas-EAC ang ikalawang panalo sa 10 laro, habang nalagay sa No.3 ang CEU sa 8-3 marka.

Nalagay sa alanganin ang kampanya ng Scorpions na awtomatikong makausad sa Final Four bunsod nang bentahe ng Akari-Adamson at Marinerong Pilipino na tabla sa 8-2 karta.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nanguna sa Batangas-EAC si skipper Cedrick De Joya sa naiskor na 18 puntos, kabilang ang three-pointer na naglagay sa Generals sa 87-85 bentahe may 42.3 segundo sa laro.

Hindi nakalaro sa CEU ang star player na si Rodrigue Ebondo bunsod ng injury sa likod, habang napatalsik sa kaagahn ng first period si Orlan Wamar matapos ihagis ang bola sa referee.

Iskor:

Batangas-EAC (89) - De Joya 18, Tampoc 15, Dela Pena 13, Garcia 13, Ablaza 12, Maguliano 10, Mendoza 5, Altamirano 3, Bugarin 0, Corilla 0, Martin 0, Estacio 0, Mendoza 0.

CEU (87) - Fuentes 26, Manlangit 16, Cruz 15, Aquino 8, Arim 6, Veron 6, Saber 4, Caballero 3, Galinato 3, Wamar 0, Guinitaran 0, Opiso 0, Chan 0.

Quarterscores: 18-36; 45-54; 68-74; 89-87.