Ni Jun Fabon

Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lima umanong big-time drug pusher matapos makumpiskahan ng tinatayang P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon City, iniulat kahapon ng ahensiya.

Sa ulat ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, unang naaresto ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service (SES) ang mga suspek na sina Mongcao Basaula Sabino, alyas Monkao; Basaola Sabino, alyas Salik; at Saima Diambangan Mipandong, pawang nasa hustong gulang.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA-SES, sa pamumuno ni Director Levi Ortiz, laban kina Salik, Monkao at Saima sa Novaliches sa Quezon City, dakong 11:00 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 500 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P2,500,000; isang cell phone; isang maroon Toyota Revo (XNE 190); at buy-bust money.

Samantala, unang nadakip sina Sahara Abal Abdurahman, alyas Mana; at Lim Akil Abdula, sa buy-bust operation sa Maligaya Street, sa tapat ng Fairview Terraces ng nasabing lungsod, bandang 9:00 ng umaga.

Narekober sa mga suspek ang mahigit 500 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P2,500,000; dalawang cell phone; at marked money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa PDEA main headquarter at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Drug Act of 2002 (RA 9165).