Ni Beth Camia
Isasalang na ng Korte Suprema sa oral arguments ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa unang en banc session ng Korte Suprema sa Baguio City para sa summer sessions ngayong 2018, itinakda ang oral arguments sa Martes, Abril 10, 2018.
Ilan sa mga mahistrado ay nais na maging bukas si Sereno sa pagtatanong at siya ay sasagot “under oath.”
Maaalalang ang quo warranto petition laban kay Sereno ay inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa paniwalang bumagsak ang punong mahistrado sa usapin ng integridad, na pangunahing hinihingi ng Konstitusyon para sa mauupong Punong Mahistrado.
Hindi umano nakapaghain si Sereno ng nasa 10 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) nang mag-apply na mahistrado.