Ni Beth Camia

Payag si Pangulong Rodrigo Duterte na sumali sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ayon sa Pangulo, wala namang dahilan para hindi sumang-ayon basta dadaan sa tamang proseso ang pag-anib ng mga mandirigma ng MNLF at MILF sa AFP.

Teleserye

Sharon Cuneta, Barbie Forteza, Khalil Ramos, John Estrada magsasama sa 'Honor Thy Mother'

Nilinaw ng Pangulo na hindi siya papayag na magkaroon ng regional armed forces at pulis sakaling maaprubahan ang Bangsamoro Basic Law at Bangsamoro region.

“Of course the MI, if they can help, they can be absorbed sa Armed Forces, for those willing, so goes with the MNLF. Pero isang armed forces lang talaga,” anang Pangulo.