BUTUAN CITY - Para sa seguridad ng mga turista, sisimulan ng Department of Tourism (DoT)-Region 13 ang pagsasanay sa mga lifeguard sa Abril 17-23, sa lahat ng resort sa tinaguriang “Paradise Island of Siargao.”

Ang isang linggong pagsasanay ay unang hakbang sa pagbibigay akreditasyon sa mga lifeguard at surfing instructor sa isla.

Layunin din nito na mapaunlad ang kakayahan at maihanda ang lahat ng beach attendants ng bawat resorts.

Bahagi ng pagsasanay ang pag-aaral sa konsepto ng lifeguarding, basic swimming strokes, breathes holding, types of water entries, rescue principles sa lifesaving techniques, escapes at releases, tamang pagtugon sa mga biktima, at basic life support (CPR).

Probinsya

Bangkay ng lalaking nakaposas, narekober sa poso negro sa Davao City!

Ang Philippine Red Cross at Philippine Coast Guard, kasama ang mga kawani ng Coastguard Special Operation Group, ang magsasagawa ng pagsasanay sa mga kalahok.

Bukod dito, hihingin din ng DoT ang suporta ng mga rescue team ng mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) at mga rescue team ng Philippine National Police (PNP) upang maging tagapagsanay.

Ang pagtatatag ng mga lifeguard at medical station sa lahat ng resorts sa isla ay kasunod ng aksidenteng kinasangkutan ng anak ng broadcaster na si Karen Davila sa “Cloud 9”, ang surfing capital ng General Luna, sa Siargao nitong Semana Santa