Ni Light A. Nolasco

QUEZON, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 53-anyos na magsasaka sa pagtatangkang magpuslit ng pitong rim ng sigarilyo sa isang palengke sa Quezon, Nueva Ecija, nitong Linggo.

Sa ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Eliseo T. Tanding, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Felix Mangulabnan Amurao, ng Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Base sa imbestigasyon, abala si Conrado Dela Cruz Trinidad, 47, ng Bgy. San Pascual, Talavera, sa pag-aasikaso sa kanyang mga mamimili nang isumbong ng kanyang misis, si Rosalinda Perame Trinidad, 50, ang pagpupuslit umano ni Amurao ng pake-paketeng sigarilyo.

Kaagad na ini-report sa istasyon ng pulisya ang insidente, bandang 10:50 ng umaga, at kakasuhan ng theft si Amurao.