Ni Leandro Alborote
VICTORIA, Tarlac – Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal na kondisyon ang isang senior citizen nang pagbabarilin ng kanyang kaaway sa Barangay Canarem, Victoria, Tarlac kamakalawa.
Tadtad ng bala sa katawan si Bonifacio “Boni” Curatcha, 60, ng Bgy. Batang-Batang, Victoria, Tarlac, at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Francisco Gamis, Jr., pauwi na si Curatcha, sakay sa kanyang motorsiklo mula sa sabungan nang harangin ng mga nakamotorsiklo ring sina Nestor Lorenzo, nasa hustong gulang; at isang “Briones”, ng Bgy. Mangolago, Victoria, Tarlac, at pinagbabaril.
Kaagad namang naaresto ng awtoridad si Lorenzo.