Ni REGGEE BONOAN

KAPAG mabunga ang puno ay siyempre pang binabato. Wala itong ipinag-iba sa panahon natin na kapag successful ang tao ay pilit ding pinupukol ng tsismis o kasiraan.

LIZA AT ENRIQUE

Likas na sa mga taong naiinggit ang paninira.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tulad sa super successful na epic-seryeng Bagani, hindi pa man nagsisimula ay sinimulan nang siraan sina Liza Soberano at Enrique Gil na hindi dapat gumanap sa mga karakter nilang Ganda at Lakas dahil hindi naman purong Pilipino at may dugo na silang banyaga.

Amerikana ang ina ni Liza at Espanyol naman ang ama ni Enrique. Pero kahit hindi sila purong Pinoy ay may dugong kayumanggi pa ring nananalaytay sa kanilang ugat at ilang beses na nila itong ipinaliwanag.

Nitong nakaraang weekend, may bago na namang isyung ipinupukol kay Liza na diumano’y nagmura. Umuusok ang iba’t ibang threads sa social media dahil sa mga bira at depensa sa video na nakunan daw na nagmura.

Nabanggit na dati pa ni Liza na anuman ang gustong isipin sa kanya ng ibang tao ay wala siyang magagawa kaya hindi niya kailangang magpaliwanag, na sinang-ayunan din naman ni Enrique.

May mga nabasa kaming komento na kaya raw natalo na ang Bagani sa ratings game ng katapat nitong programa ay dahil nga hindi naman daw purong Pinoy ang mga bida.

Inalam namin ang figures ng nasabing episode na sinasabing natalo at nangyari ito noong Miyerkules, Marso 28 na nakakuha ang Bagani ng 31.6%/28.%/35.2%/23.8% at 28.1%. Ang katapat na programa naman sa GMA ay nakakuha ng 21.2%/21.1%/21.3%/23.7% at 18.5%.

At nitong Lunes, Abril 2 ay nakakuha ang Bagani ng 31.1%/27.9%/34.6%/25% at 28.4%. Ang programang katapat ay 19.8%/20.9%/18.5%/23.5%/ at 17.7%. Base lahat ito sa Kantar Media survey.

Magkaiba ang pinagkukunang survey ng ABS-CBN at GMA 7 kaya kanya-kanyang paniniwala na lang ‘yan ng manonood.

Kung loyal ka sa Dos, e, di paniniwalaan mo siyempre ang mga programa nila. Kung maka-Siyete ka naman, siyempre mas papanigan mo ang mga programa nila.

Pero kung sa tao-tao ka magtatanong at makikinig ng mga komento ay mas marami kaming komentong naririnig tungkol sa Bagani.

Tulad nga ng sinabi namin, kung ordinaryong manonood ka, siyempre, doon ka sa network na loyal ka.