Ni Fer Taboy

Patay ang isang kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Mabalasbalas, San Rafael, Bulacan, kahapon.

Kinilala ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang biktima na si Jaime Vasallo, 46, residente ng Bgy. Mabalasbalas.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa bisikleta ang biktima sa tapat ng kanyang bahay nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa isang motorsiklo, at pinagbabaril siya.

Napag-alaman na tatakbo ang biktima bilang barangay chairman sa eleksiyon sa Mayo.