Ni Reggee Bonoan

“PANGPAALIS ng pagod sa trabaho at panghudyat para bumangon at kumayod.”

MARIEL AT ISABELLA copy

Ito ang caption ni Robin Padilla sa Instagram post niya habang nanonood ang bunsong anak na si Isabella ng Pilipinas Got Talent Season 6 nitong Sabado.

Tsika at Intriga

'Nakakaloka!' Diether Ocampo, may maselang video rin?

Oo nga naman, nakakatanggal pagod talaga kapag ganyan kabibo ang makikita mo pagkagising.

Nakakapagsalita na si Isabella at tinawag na siyang “daddy” habang hawak-hawak ang remote control ng TV sa kuwarto at maririnig naman sa background ang boses ni Mariel Rodriguez na pumapalakpak sa sobrang tuwa sa anak.

May narinig din kaming nagsabi ng ‘astig’ na kasama ni Mariel tungkol kay Robin nang ipakilala siya bilang isa mga hurado ng PGT6 na naka-suit at naka-shades. Talaga namang super-guwapo si Binoe sa bago niyang gupit.

Maging sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso ay hindi lang ang tambalang Richard Yap at Jodi Sta. Maria na ang inaabangan ng televiewers dahil may nagsabing mas bagay na raw sina Robin at Jodi.

Oo nga, in fairness, kung dati ay nakakaasiwa ang mahabang buhok ni Binoe at mukha siyang madumi, ngayon ay ang bangu-bango nang tingnan at bumata pa kaya mas lalo siyang bumagay kay Lisa (Jodi).

At take note, Bossing DMB, halos kaedaran lang ni Robin na 50 years old ang bago niyang mga katropang sina Victor Silayan, Paolo Paraiso at Boom Labrusca.

Sa umeereng kuwento ng Sana Dalawa Ang Puso ay minamanmanan ni Leo ang nasabing grupo tungkol sa mga illegal nilang negosyo kaya nagpanggap na may negosyo sa alak.

Sa kabilang dako naman, nahihiwagaan si Martin (Richard) kay Lisa na nagpanggap bilang si Mona (si Jodi rin) dahil may mga kilos itong kakaiba. Lumalambot kasi ang huli kapag kaharap na ang lalaking crush na kabaligtaran naman ng kakambal niya na hindi gusto ang negosyante.

Anyway, payo naman namin kay Richard, na baka puwedeng magpagupit din siya dahil parang hindi bagay sa kanya ang naka-brush up na buhok dahil napaka-matured na niyang tingnan.

Going back to Robin, aliw na aliw kami habang tinuturuan niya si Isabella ng pangalan ng mga hayop at pagdating sa pusa ay hindi niya mapilit ang anak dahil ang tawag ay ‘meow’. Kahit tatlong beses nang sinabi ng aktor na ‘pusa’ ay tatlong beses din siyang sinagot ng ‘meow’ ng anak.