Mula sa The Cut

TINATANGKANG pawalan ng bisa ng ex-girlfriend ni Tiger Woods ang non-disclosure agreement na pinapirmahan ni Woods sa kanya, ayon sa TMZ Sports, at nababahala ang serial-cheating golf star.

Tiger Woods 2

Kasalukuyang nakikipagnegosasyon si Kristin Smith, ex ng golf star at si Woods tungkol sa nabanggit na NDA, na umano’y pinapirmahan ni Woods kay Smith noong 2017 matapos ang dalawang taong relasyon. Inilahad sa TMZ ng mga source na pamilyar sa sitwasyon na ipinilit ni Woods ang kasunduan dahil naniniwala si Smith na kinaliwa siya ng dating nobyo, at ayaw ni Woods na mapanumbalik ang dating kasikatan ng kanyang cheating scandal noong 2009.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Nagkaroon ba ng relasyon si Woods sa 121 iba pang babae? Sinong makakapagsabi? (O baka si Smith.) Ayon sa TMZ, iginigiit niya na ang NDA ay hindi dapat na ipinilit, gayunman, hindi pa rin malinaw kung ano ang kanyang dahilan sa ginagawang hakbang.

Bilang buwelta sa mosyon ni Smith na mapawalang-bisa ang kasunduan, sinabi ng sources sa TMZ na binantaan umano ni Woods si Smith na ilalabas ang kahiya-hiyang mga litrato nito kung magsasalita siya tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kung ang pinakaaasam ni Woods ay ang paniwalaan siya ng publiko na nagbago na siya, at hindi na ulit mananakit ng kasintahan gaya ng kanyang ginawa noong 2009, hindi magandang umpisa ang pagbabanta ng revenge porn.