Ni ADOR SALUTA

HINDI akalain ng rap and hip-hop group na Ex-Battalion na ang kanilang awiting Hayaan Mo Sila ay magiging pambansang awit ng madlang pipol.

Ex Battalion at Aiai

Umabot na sa 44 million views sa YouTube ang kanilang music video ng awiting ito. Ngayon lamang nangyari sa larangan ng musika na ganito karami ang hits nag-follow sa social media sa isang local act. Naging daan ang kinababaliwang kanta para sumikat ang rap and hip-hop group na Ex-Battalion.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Sa contract signing bilang bagong endorser ng Frontrow kasama ang kanilang manager na si Ai Ai delas Alas, larawan ng kasiyahan ang pitong Ex-B members sa pagkakaroon ng sunud-sunod na blessings.

“Siyempre po masaya,” sabi nila. “Salamat kay Lord, kay God, ganito na kami ngayon. Hindi namin inaasahan ito, eh.

Dapat mas lalo pa naming… ‘yung pangarap namin itutuluy-tuloy namin. Hindi namin hahayaan na mawala ito.”

Hindi rin nila inakala na mula sa indie music ay nasa mainstream na sila, isang achievement ng kanilang manager.

“Almost three years na kami sa underground scene. Takot kasi kami sa kontra-kontrata na ‘yan, eh. Never pa kami nagka-manager before. Sobra nagpapasalamat kami nagka-manager kami na si Ms. Ai Ai pa.”

Lagi raw silang pinapaalalahanan ni Ai Ai tuwing may gigs o show ng, “’Wag ganyan-ganyan. ‘Wag late. Dapat nagpapabango bago humarap sa mga fans.’ Pinapagalitan kami in a good way,” natatawang kuwento nila.

Kasama sa mga plano ni Ai Ai para sa Ex-Battalion ang isang malaking concert dito sa Manila. This year, baka raw matuloy ito.

Sa nasabing contract signing, nagpahayag ang Frontrow head na si RS Francisco na igagawa nito ng music video ang grupo sa ibang bansa.

“Why not shoot in Korea, Japan, and in the US?” ani RS na ikinagalak ng grupo. “Kaya ayusin na ninyo ang mga passports.”

Idinugtong nito na sigurado raw na magaganap ito this year.

Napakasuwerte ng Ex-Battalion dahil suportado sila nina Ms. Ai Ai at RS Francisco, ang actor-entrepreneur na multi-millionaire na ngayon.