Ni LEANDRO ALBOROTE

RAMOS, Tarlac - Malagim na kamatayan ang sinapit ng apat na kataong nakasakay sa isang Asian utility vehicle (AUV) na sumalpok sa steel post barrier ng TPLEX at bumaligtad bago bumangga sa kasalubong na sports utility vehicle (SUV), na grabe ring ikinasugat ng pitong katao sa Barangay Raymundo sa Ramos, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Ritchel Antonio ang mga nasawi na sina Eugenio Roque, 67, may asawa, driver ng Toyota Innova (AAW-2475) at residente ng Barangay Comembo, Makati City; Herminigildo Roque, 59, may asawa; Lana Ranilya Tolentino, 12; at Cindy Enrique, 44, may asawa, pawang ng Teresa, Rizal.

Grabe namang nasugatan sina Jessica Roque, 50; at Reuben Centeno Enrique, 10, na isinugod sa Rayos Hospital sa Bgy. Poblacion Norte sa Paniqui.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sugatan din ang driver ng Mitsubishi Montero (TQJ-807) na si Reynaldo Ogalesco, 56; at mga pasahero niyang sina Maria Fe, 57, may asawa; Martin Rey, 23; Marc Ogalesco, 13; at Mhyiel Kyrea Bernan, 8, ng Bgy. Dalakip, Catarman, Northern Samar.

Dakong alas 2:05 ng hapon at patungong timog ang Innova nang aksidenteng nabangga ang steel post barrier hanggang bumaligtad at bumangga sa kasalubong na Montero.