Ni Erwin Beleo
SAN FERNANDO CITY, La Union - Nag-anunsiyo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 10-oras na brownout sa 12 bayan ng La Union at Pangasinan sa Sabado, Abril 7.
Inaasahang maaapektuhan ng power interruption, na magsisimula ng 6:00 ng umaga at tatagal ng 4:00 ng hapon, ang lahat ng consumer ng La Union Electric Cooperative, Inc. (LUELCO) franchise area, kabilang ang Aringay, Caba, Agoo, Tubao, Pugo, Sto. Tomas, Rosario, at ilang bahagi ng Bauang sa La Union.
Apektado rin ang ilang bayan sa Pangasinan, kabilang ang Sison, Pozzorubio, San Fabian, at San Jacinto.
Ayon kay Lilibeth Gaydowen, communications and public affairs officer ng NGCP North Luzon Corp., ang pansamantalang power shutdown ay para sa preventive maintenance ng Bauang-San Fabian 69 KV distribution lines, at pagpapalit ng mga lumang poste ng kuryente.