Ni Gilbert Espeña

Ipagtatanggol ni Richard Pumicpic ang kanyang WBO Asia Pacific featherweight crown laban sa walang talong Hapones na si Yoshimitsu Kimura sa Abril 12 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ito ang unang depensa ni Pumicpic ng korona mula nang makuha niya ang bakanteng titulo sa pagtalo sa puntos kay two-time world title challenger Hisashi Amagasa noong Setyembre 29, 2017 sa Korakeun Hall din.

Karanasan ang itatapat ni Pumicpic sa rookie boxer na si Kimura na may perpektong rekord na 9 panalo, 4 sa pamamagitan ng knockouts kumpara sa kanyang kartada na 20-8-2 win-loss-draw na may 6 na pagwawagi lamang sa knockouts.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Malaki ang mawawala kay Pumicpic kapag natalo kay Kimura lalo’t nakalista siyang No. 13 contender kay WBO featherweight titlist Oscar Valdez ng Mexico.

Ngunit kilala si Pumicpic na matibay at hindi pa natatalo sa knockout at nabigo lamang sa puntos sa mga world class fighter na sina IBF super bantamweight champion Ryosuke Iwasa ng Japan, dating world rated Filipinos Glenn Porras at Dennis Tubieron, at two-time world title challenger Cesar Juarez ng Mexico