SAO PAULO (AP) – Hindi kailangang gumamit ng Brazilian transgenders at transvestites ng kanilang mga identification cards para bumoto sa general election sa Oktubre, at sa halip ay maaaring gamitin ang kanilang social names o alyas.

Ipinahayag ng top electoral court ng Brazil ang desisyon nitong Lunes.

Sinabi ni court chairman Justice Luiz Fux na layunin nitong igalang ang pagkakaiba-iba ng mga mamamayan para ipahayag ang kanilang mga sarili nang walang anumang paghuhusga.

Sinabi ni Fux sa website ng korte na “every voter has the right to be identified as he or she sees himself or herself.’’

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Sa halalan, pipili ang Brazilians ng bagong pangulo, lahat ng 513 miyembro ng Chamber of Deputies, two-thirds ng 81 senador ng bansa at 27 governors.