Ni FER TABOY

Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na pitong katao ang nasawi habang 811 iba pa ang arestado sa anti-drug operations na isinagawa sa buong bansa sa katatapos na Semana Santa.

Ito ang ibinunyag ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa isang pulong-balitaan sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sa datos na nakalap ng PNP-National Operation Center mula sa lahat ng Police Regional Office, nagsagawa ng kabuuang 505 anti-drug operations nitong Marso 28 hanggang Abril 1.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon s a PNP c h i e f , pinangunahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila, PRO- 4A sa Southern Tagalog, at PRO-7 sa Central Visayas ang mga operasyon laban sa hinihinalang drug personalities.

Nangulelat naman ang PRO-Cordillera na walang n a i s a g a w a n g a n t i - d r u g operation.

Nabatid na ang pitong napatay sa mga operasyon ay naitala sa Region 3, sa apat na umano’y tulak habang tig-isa naman sa PRO-4A, PRO-12, at PRO-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Una nang sinabi ni dela Rosa na bagamat suspendido ang Oplan Tokhang nitong Semana Santa, tuluy-tuloy pa rin ang anti-drug operation ng PNP.

Pinakamarami ang naaresto sa NCRPO, na pumalo sa 302, kasunod ang PRO-4A, 124; at 119 sa PRO-7.

Nasa 62 naman ang naaresto sa PRO-3, 28 sa PRO-10, 25 sa PRO-12, 22 sa PRO-6, 18 sa PRO- 4B, 15 sa PRO-9, siyam sa PRO- 11, at tig-anim naman sa PRO-1 at PRO-5.

Mababang bilang naman ang naitala sa PRO-2, na tatlo lamang ang naaresto, dalawa ang nadakip sa PRO-ARMM, at isa naman sa PRO-8.