Ni Annie Abad
TAGUMPAY na naiuwi ng mga pambato ng Pilipinas sa Para Dancesports na sina Rhea Marquez at Julius Obero ang dalawang gintong medalya buhat sa 2018 World Para Dance Sports International Competitions na ginanap sa Netherlands nitong Marso 31.
Hindi naging madali sa pambato ng Pilipinas ang pagkopo ng gintong medalya gayung kinailanan nilang harapin ang mga pambato ng mga bansang Ukraine, Japan, Belgium, Finland, Slovenia, Austria, Netherlands, Italy, Germany, Belarus, Cape Verde at Greece.
Gayunman, napagtagumpayan pa rin nila Maruez at Obero ang nasabing pagsubok na siya namang ikinasiya ng buong Paraathletes Association, lalo na ng kanilang coach na si Bong Marquez.
“Masayang masaya kaming lahat para sa panalong ito nina Rhea (Marquez at Julius (Obero). Masyado po akong bumilib sa determinasyon nilang manalo, kaya i know they deserve this win,” masayang pahayag ng coach na si Marquez.
Sumabak sa dalawang events ang ating mga Para Dance Sports athletes na sina Marquez at Obero, kung saan nakakuha sila ng ginto sa Freestyle event at isang ginto muli sa Combo Latin 2 event.
“Unexpected po talaga kasi ang sa amin yung makapag perform po sa ganung ka prestige na competition is malaking bagay na po, tapos nanalo pa kami kaya napaka saya po namin lahat para sa panalong ito,” ayon naman sa mananyaw na si Rhea Marquez.
Matapos naman ang nasbaing panalo ay nakatakda namang sumabak ang dalawang Para athletes na sina Maruez at Obera sa local competition na Pilipinas Got Talent, kung saan nakapasok sila sa semifinals matapos na mabigyan ng golden buzzer chance noong Setyembre ng nakaraang taon.