KANO (AFP) – Patay ang 20 katao at maraming iba pa ang nasugatan sa magdamag na mga pag-atake ng Boko Haram isang kampo militar at mga pamayanan sa paligid nitp sa hilagang lungsod ng Maiduguri sa Nigeria, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes.

Inatake ng mga militanteng Boko Haram ang military base sa Cashew Plantation area sa bukana ng lungsod gamit ang suicide bombers, mortars at mga baril, na nauwi sa mahabang bakbakan.

‘’Eighteen Boko Haram terrorists on foot attacked the military base while seven suicide bombers targeted residents of nearby Bale Shuwar and Alikaranti villages at 8:50 pm (1950 GMT),’’ sinabi ng isang opisyal, na tumangging pangalanan. ‘’The terrorists fired mortars at troops.’’

Sinabi ni Bello Dambatto, chief security officer sa State Emergency Management Agency (SEMA) na 18 ang inisyal na bilang ng mga namatay ngunit umakyat sa 20 matapos mamatay ang dalawang sugatan sa ospital.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

‘’We are not sure if the remaining 82 wounded victims will make it. Some of them are in critical condition and will require major surgery from their wounds, which are mostly from gunshots.’’