Ni Fer Taboy

Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang mag-asawa matapos sumabog ang dalawang granada sa kanilang bahay sa North Cotabato, nitong Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), nangyari ang pagsabog sa Barangay Nueva Bida sa M’lang, dakong 6:55 ng gabi.

Kabilang sa nasugatan sina Nestor Lambid Nuñez, 58; at Jovy Nuñez, 54, ng Purok 2, Bgy. Nueva Bida, M’lang.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kumakain lamang ng hapunan ang mag-asawa nang biglang sumabog ang dalawang granada sa harap ng kanilang bahay.

Agad dinala sa M’lang District Hospital ang mag-asawa, na tumilapon dahil sa lakas ng pagsabog.

Itinuturo namang suspek ang isang Ronnie Rabor, na tinutugis pa ng pulisya.

Sinisiyasat pa rin ng pulisya ang motibo sa insidente na umano’y awayan sa lupa.