Ni Marivic Awitan

WALANG dapat na ipag-alala ang mga fans ng Magnolia Hotshots dahil maglalaro sa Game 4 ang kanilang ace guard na si Paul Lee.

kuha ni Peter Paul Baltazar

kuha ni Peter Paul Baltazar

Ito ang tiniyak ng tinaguriang “Angas ng Tondo” matapos ang natamong hand injury noong nakaraang Linggo sa Game 3 ng 2018 Philippine Cup Finals..

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Na-injured angbisang daliri sa kanang kamay ni Lee may 9:01 pang oras na nalalabi noong Game 3 ng laban nila ng San Miguel Beermen, matapos ang isang jump ball situation.

“Na-jam siya. Pagsundot ko tumama sa tuhod ni Matt [Ganuelas-Rosser],”ayon kay Lee.. “Pero ready ako, ready ako. Wala naman ito, di naman gaanong malala.”

“Yun nga lang kailangang tiisin, pain reliever lang siguro, kaya na, “ dagdag nito.

Mula doon ay hindi na nakabalik sa laro si Lee na nagtapos na may 15 puntos at 7 assists.

Tuluyan namang natalo ang Hotshots, sa Beermen, 87-111 para sa 2-1 kalamangan sa series.

“Expected naman namin yun, talagang malakas talaga ang San Miguel,” ani Lee.

Gayunman, tiniyak niyang gagawin nila ang lahat upang makabawi at tatratuhin ang Game 4 na isang do-or-die game.

“Mahirap mabaon sa 3-1 so big game sa amin sa next game.”