Ni Bert De Guzman
Magkakaroon ng 150 judges-at-large positions upang matugunan ang kakulangan ng mga hukom na isa sa mga dahilan kung bakit maraming kaso ang nakabinbin.
Layunin ng pinagtibay na House Bill 7309 na lumikha ng mga posisyon para sa tinatawag na judges-at-large upang mapagaan ang “congested or clogged dockets of the lower courts.”
Batay sa HB 7309, ang Judges-at-Large ay mga hukom na walang permanenteng sala at puwedeng italaga ng Supreme Court (SC) bilang Acting o Assisting Judges sa alinmang regional, city o municipal trial court sa bansa.