Ni PNA

SA gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga pekeng gamot, muling nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration sa masamang dulot nito sa kalusugan.

Sinabi ni Food and Drug Administration Director-General Nela Charade Puno na maaaring kontaminado, mali ang sangkap, at hindi tama ang dosage ng mga palsipikadong gamot na posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.

“These fake drugs may cause more harm than good to their health if taken,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Upang hindi mabiktima ng mga pekeng gamot, inirekomenda ng Food and Drug Administration na bumili lamang ang publiko sa mga rehistrado at accredited na botika.

Inalabas ang paalala matapos magbigay ng personal na suporta si Pangulong Rodrigo Duterte upang masupil ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng gamot, na tinawag niyang “economic saboteurs”.

“The President’s backing has given us an even stronger resolve to put a stop to this practice which endangers the well-being of the public,” dagdag pa ni Puno.

Nangako rin si Puno na paiigtingin ng ahensiya ang kampanya nito laban sa mga pekeng gamot, sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine National Police.

Sa tala na ipinakita ng Food and Drug Administration- Philippine National Police Joint Task Force D-PUNCH (Destroying Products Unfit for Human Consumption), tinatayang aabot sa mahigit P76 milyon halaga ng mga pekeng gamot ang nasamsam sa bansa simula noong Marso 2017 hanggang Marso 2018.