Mula sa Variety

IBINAHAGI ni Dwayne Johnson ang kanyang personal battle sa depresyon sa isang bagong panayam, at ibinunyag na may pagkakataon na siya ay “crying constantly”.

Dwayne copy

Kinapanayam siya ng Express, at inilahad ang kanyang mga hinarap na pagsubok sa pagsasaayos ng kanyang mental health. “Struggle and pain is real,” aniya. “I was devastated and depressed.”

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Na-depress umano si Johnson nang magkaroon ng injury, na naging sanhi para mawasak ang kanyang pangarap na makapaglaro ng professional football. Natanggal siya sa Canadian Football League, noong hindi pa nag-iisang taon sa kontrata, at nakipaghiwalay sa kanya ang girlfriend niya noon.

“I reached a point where I didn’t want to do a thing or go anywhere,” aniya sa Express. “I was crying constantly.”

Ibin ahagi ni Johnson, na nasa press tour para sa kanyang upcoming action film na Rampage, ang tungkol sa kanyang masasakit na alaala sa mga naganap sa nakaraan. Noong Pebrero, nag-post siya sa Instagram ng litrato na nakatayo sa tapat ng puntod sa set ng kanyang HBO show na Ballers.

Sa caption, sinabi ni Johnson na ang eksena ay tungkol sa kapatid ng kanyang karakter na nagtangkang magpakamatay.

“We’ve all been there on some level or another,” saad niya. Ipinaliwanag niya na nagtangkang magpakamatay ang kanyang ina noong siya ay 15 taong gulang sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa kalsada, ngunit nahila niya ang kanyang ina kaya nasagip ito.

“What’s crazy about that suicide attempt is that to this day, she has no recollection of it whatsoever,” aniya.

“Probably best she doesn’t.” Bilang ehemplo, pinaalalahanan niya ang kanyang followers na ilabas ang kanilang mga saloobin at tulungan ang iba na malagpasan ang problema.

Nang makita ang mga suportang dumating sa kanya makaraang magbahagi tungkol sa kanyang depresyon, nag-tweet si Johnson ng, “depression never discriminates.” Dagdag pa niya, “Took me a long time to realize it but the key is to not be afraid to open up. Especially us dudes have a tendency to keep it in. You’re not alone.”