Nina Mina Navarro at Argyll Cyrus Geducos

Binigyang-linaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mananatili ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga bagong overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait sa kabila ng hinatulan na ng kamatayan ng Kuwaiti court ang mag-asawang amo at pumatay kay Joanna Demafelis.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng kalihim ang ulat hinggil sa hatol ng korte sa Lebanese employer na si Nader Essam Assaf at sa asawa nitong Syrian na si Mona Hassoun, sa pamamagitan ng ulat ng Kuwaiti ambassador.

Iginiit ni Bello na ang kondisyon ni Pangulong Duterte, na bukod sa pagkakamit ng hustisya ni Demafelis ay dapat munang malagdaan ang memorandum of understanding (MOU) ng Pilipinas at Kuwait, na nakatakdang pirmahan sa Miyerkules, Abril 4.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang inihayag ni Bello na maaaring bawiin ang ban para sa skilled workers, ngunit mananatili munang naka-hold ang mga household service workers (HSW) o kasambahay.

Ilan sa mga nais na kundisyon ng Pangulo ay ang hindi pagkumpiska ng mga employer sa pasaporte ng lahat ng OFWs, dapat na nakakatulog ang manggagawa ng hindi bababa sa pitong oras sa isang araw, dapat na pakainin ng masusustansyang pagkain, at dapat pahintulutang magbakasyon.

Buong lugar namang tinanggap ng Malacañang napaulat na hatol ng korte sa Kuwait na “death by hanging” laban sa mag-asawa.

“By this time the President might have heard that news that was picked up abroad. And directive given by the President was for the DFA (Department of Foreign Affairs), through the mission in Kuwait, to find out, to verify whether in fact if such an event took place,” sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“Of course the President, I suppose the entire Filipino people, will be happy to know that that is true. Siyempre, that’s what we want—justice for Demafelis. So let’s hope that in fact, that is true and that the couple will actually be apprehended and brought to the bars of justice,” sabi pa ni Guevarra