PARIS (AFP) – Sinimulan ng French rail workers ang tatlong buwang rolling strikes nitong Martes, bilang bahagi ng serye ng industrial action na susubok sa paninindigan ni President Emmanuel Macron na baguhin ang France sa pamamagitan ng malalaking reporma.

Magpeperwisyo ng strike ang 4.5 milyong pasahero ng tren sa France, sa mga pinaplanong tigil pasada dalawang beses sa loob ng limang araw hanggang sa Hunyo 28 o hanggang sa bitawan ni Macron ang isinusulong nitong ipilit ang major overhaul sa state rail operator na SNCF.

Opisyal na nagsimula ang rail strike nitong Lunes ng gabi, ngunit higit na naramdaman sa binansagan ng media na ‘’black Tuesday’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'