Ni Yas D. Ocampo

DAVAO CITY - Humihingi ng tulong sa Department of Labor and Employment (DoLE) ang 120 nagpoprotestang manggagawa ng isang kumpanya sa Davao City matapos silang sibakin sa trabaho.

Ito ay matapos na arestuhin ng pulisya ang 10 sa nasabing bilang ng manggagawa nang manggulo umano sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng distribution center ng isang softdrinks company sa Barangay Bago Aplaya, kahapon ng umaga.

Nananawagan ang mga ito sa DoLE na mamagitan sa sigalot sa pagitan ng nasabing softdrinks company at ng kanilang ahensiyang Work Experts & Allied Services, upang maibalik sila sa trabaho bilang mga delivery personnel.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito