INILABAS ni The Weeknd ang kanyang saloobin sa kanyang pinakabagong album na My Dear Melancholy, na tinangkilik ng fans nitong Biyernes.

The Weeknd 2

Ngunit bagamat ito ang kasagutan sa bagong materyal na hinahanap ng fans, naging palaisipan naman kung sino ang tinutukoy ni The Weeknd, Abel Tesfaye ang tunay na pangalan, sa kaniyang six-track album.

Kabilang sa mga tumatak na tracks ang Call Out My Name, na tila tinutukoy ang kanyang ex na si Selena Gomez sa mga lirikong “We found each other/I helped you out of a broken place/You gave me comfort/But falling for you was my mistake.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa naturang awitin, maraming fans naman ang nagtanong kung ikinonsidera ba ni The Weeknd, 28, na ibigay kay Gomez, 25, ang kanyang kidney nang kailanganin nito ang transplant nitong nakaraang taon.

“I said I didn’t feel nothing baby, but I lied/I almost cut a piece of myself for your life/Guess I was just another pit stop/Til’ you made up your mind/You just wasted my time/You’re on top,” kanta niya.

Tila si Gomez din ang kanyang tinutukoy sa awiting Privilege, na may lirikong “Enjoyed your privileged life/‘Cause I’m not gonna hold you through the night/We said our last goodbyes/So let’s just try to end it with a smile/And I don’t want to hear that you are suffering/You are suffering no more/‘Cause I held you down when you were suffering/You were suffering.” Sa Wasted Times, tinukoy naman niya ang isang imagery girl na isang “equestrian” — na mukhang ang reference ay ang ex na si Bella Hadid, na napuwersang isuko ang kanyang pangarap na makipagkumpetensya sa who 2016 Olympics sa equestrian shows dahil sa kanyang Lyme disease.

Nitong Huwebes, inihayag ng Starboy singer na maglalabas siya ng bagong proyektong tinawag na My Dear Melancholy.

Bagamat hindi nagbigay ng iba pang detalye ang singer tungkol sa release, ibinahagi naman niya ang tila isang album artwork — isang close-up shot ng kanyang mukha — na may caption na, “tonight.”

Matatandaang kasamang umawit si The Weeknd sa track ng Black Panther soundtrack, ang My Dear Melancholy ang kanyang unang solo musical project mula nang makipaghiwalay kay Gomez noong Oktubre 2017, na naging magkasintahan sa loob ng 10 buwan.

Naghiwalay naman ang mang-aawit at modelong si Hadid noong Nobyembre 2016, na nagsing magkarelasyon sa loob ng halos dalawang taon.