Ni Genalyn D. Kabiling

Patuloy ang pamahalaan sa pagpapaigting sa kampanya laban sa illegal na droga, patunay nito ang pagtaas ng bilang nang naarestong drug personalities, nakumpiskang mga droga at nabuwag na mga drug den sa nakalipas na mga buwan.

Sa press briefing sa Malacañang, ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) ang huling “real numbers,” kabilang ang mga resulta ng kanilang anti-drug operations.

“We were able to sustain the momentum of the national anti-illegal drugs campaign by attacking the illegal drugs problem on two strategic fronts of supply reduction by hitting hard on high-value targets, traffickers and suppliers and demand reduction by persuasive dialogue with known drug personalities through Project Tokhang,” sabi ni PNP Spokesman, Chief Supt. John Bulalacao.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 20, 2018, sinabi ni PDEA Director Derrick Carreon na nagsagawa ang law enforcement agencies ng kabuuang 91,704 na anti-drug operations at naaresto ang 123,648 drug personalities. Nasa 4,075 sangkot sa ilegal na droga ang nasawi sa kasagsagan ng anti-drug operations.

“Anti-drug operations conducted posted an increase of 6,636 or 7.8% compared to the data from the last period,” ani Carreon hinggil sa inilabas na datos nitong Pebrero.

“Drug personalities arrested increased by 2,561 or 2.12 percent while drug personalities who died during anti-drug operations increased by 54 or 1.34 parent,” dugtong niya.

Nakumpiska ng awtoridad ang 2,620.5 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P13.46 bilyon, o tumaas ng 10.13 kilo na tinatayang P50.62 milyon simula noong Pebrero.

Ang mga mapanganib na droga at kagamitan sa laboratory, na tinatayang nasa P19.67 bilyon, ay narekober sa kasagsagan ng parehong panahon, na tumaas ng P68.82 milyon mula noong Pebrero.

Ayon pa kay Carreon, nabuwag naman ang 189 illegal drug facilities, na binubuo ng 180 drug den at siyam na shabu laboratory, sa parehong panahon.

Noong Hulyo, naaresto ng gobyerno ang 469 na manggagawa ng pamahalaan dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa nasabing bilang, 199 dito ang nahalal bilang mga opisyal, 45 uniformed personnel, at 225 government employee.

“Total government workers arrested posted an increase of 15 or 3.3%; elected officials posted an increase of 7 or 3.65%; while uniformed personnel posted an increase by 9 or 2.27%,” pahayag ni Carreon.

Nailigtas naman ng awtoridad ang 649 na menor de edad mula sa pagkakasangkot sa aktibidad ng ilegal na droga, na may pagtaas ng 31 o 5.02 porsiyento.

Inihayag naman ni Bulalacao na umabot sa 2,467 drug-related incidents ang naitala mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2018, 715 kaso ang naresolba o tumaas ng 76 na kaso mula sa huling ulat noong Pebrero habang 1,752 ang patuloy pang iniimbestigahan.

Aniya, handa ang PNP na magbigay ng totoong bilang sa International Criminal Court (ICC) sa pahintulot ng Malacañang.

“On the part of the PNP, we will. Provided, there will be an approval from the higher office - in this case, the DILG or Malacañang. But just the same, a process should also be observed,” dugtong niya.