Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Pasig City Sports Center)

2 n.h. -- CEU vs. Batangas -EAC

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 n.h. -- Go for Gold -CSB vs. AMA Online Education

Standings W L

*CEU 8 2

*Akari 8 2

*Marinero 8 2

*Che’Lu 7 3

*Gamboa 6 4

*Zark’s 6 4

xWangs 5 5

xGo for Gold 4 6

xPerpetual 3 7

xJRU 2 8

xAMA 1 8

xBatangas 1 8

* - clinched playoff seat

x - eliminated

MAKASIGURO ng playoff para sa isa sa top two slots na nangangahulugan ng automatic entry sa semifinals ang tatargetin ng isa sa mga namumunong Centro Escolar University sa pagsägupa nila sa sibak nang Batangas-Emilio Aguinaldo College ngayong hapon sa papatapos ng eliminations ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Kasalukuyang nasa theree-way tie sa pangingibabaw ang Scorpions kasalo ng Akari-Adamson at Marinerong Pilipino taglay ang barahang 8-2.

Magtutuos ang Scorpions at ang Generals sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon bago ang huling laro sa pagitan ng kapwa eliminated na ring Go for Gold -St. Benilde at AMA Online Education ganap na 4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Scorpions na makopo ang ika-9 nilang panalo upang makasiguro ng playoff berth para sa pinag-aagawang top two spots na may kaakibat na bonus na outright semifinals slot.

Maagang na-eliminate, hangad naman ng Generals (1-8) na magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya nila sa D League.

Sa tampok na laban, gaya ng Batangas ay gustong tapusin ng Scratchers at ng Titans sa pamamagitan ng panalo ang kani-kanilang D League stints.

Inaasahang maglalaro na ngayon para sa Scorpions na gustong makatiyak na papasok sila sa top two ang kanilang Congolese slotman na si Rod Ebondo na hindi pinalaro sa nakaraang laban nila kontra Wangs -Letran upang makapahinga dahil sa iniindang injury.