Ni Aaron Recuenco
Tapos na ang maliligayang araw ng liquidation squad ng New People’s Army (NPA) dahil na rin sa makabagong teknolohiya ngayon sa bansa.
Ito ang pagmamalaki ni Philippine National Police (PNP) chief, director Gen. Ronald dela Rosa kahit pa madaling makagamit ng social media sa tulong na rin ng mga mobile phone.
Pumapabor, aniya, sa pulisya ang teknolohiya kapag ang pag-uusapan ay ang law enforcement at anti-insurgency operations sa mga lungsod.
Aniya, nagtagumpay ang Special Partisan Armed Revolutionary Unit (SPARU), ang hitman ng NPA noong 1980s, dahil madaling makumbinse ng mga rebelde ang mga nasa mahihirap at malalayong lugar.
“It would be difficult for them now because unlike in the 1980s when they would easily control the masses and slum areas, it is just one text away to the authorities so they could not control anymore one particular place in urban areas. Before, any civilian with anti-communist mindset would still go to the police station or look for landline or payphones to tip the authorities of rebel presence,” ayon kay dela Rosa.
Sinabi ni dela Rosa na iba na ngayon dahil maaaring maging tipster ng pulisya ang sinumang sibilyan, sa pamamagitan ng pagte-text o pagkuha ng litrato o video ng mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.