Ni Reggee Bonoan

“KUMITA ba ang Never Not Love You?”

nADINE

Ito ang tanong sa amin ng mga katoto tungkol sa pelikula nina James Reid at Nadine Lustre, produced ng Viva Films at mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone na Graded A sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pero wala pang balita dahil nasa bakasyon pa ang mga tao at panonoorin pa lang din namin para malaman kung maraming tao at kung maganda ang istorya.

“Wala kasing ingay,” sabi pa sa amin.

Parang kinapos sa promo ang Never Not Love You dahil umalis ng Pilipinas ang JaDine para magbakasyon. Sabi nga ng taga-Viva, “Ipapalabas ang movie wala sila, inuna pa nilang magbakasyon.”

Sinabi naman nina James at Nadine sa presscon ng Never Not Love You na aalis silang dalawa ng bansa para sa much needed rest, kaya hinihingi na nila ang suporta ng lahat na panoorin ang pelikula nila dahil nga wala sila.

Habang wala sa bansa ang JaDine ay nabalita ring hindi na si Nadine ang bida sa pelikulang The Nurse na iso-shoot sa Japan ni Direk Jun Robles Lana.

Ito ‘yung sinabi ni Nadine na after ng Never Not Love You ay may kanya-kanya silang movie project ni James, ang The Nurse at ang Pedro Penduko, kaya excited na sila.

Excited pa naman ang aktres sa bago niyang project na pagdating niya ay saka pa lang niya malalaman na tsinugi na siya.

Sa pagkakaalam namin ay last quarter of 2017 pa dapat inumpisahan ang shooting ng The Nurse dahil may ibang mga nakalinyang project si Direk Jun tulad ng Babaeng Allergic Sa Wifi.

Pero hindi dire-diretso ang shooting ng Never Not Love You dahil sa pagkakasakit ni Nadine bukod pa sa nag-shoot sila sa ibang bansa, kaya nasira ang timeline ni Direk Jun.

Pero hinintay pa rin ang availability ni Nadine after ng Never Not Love You, ang ending naghintay sa waley si Direk Jun.

Laking gulat ng lahat nang mag-post si Direk Jun sa Twitter nitong Marso 27 ng, “My film. My Rules”. Cryptic ito pero nalaman na tungkol nga ito kay Nadine.

Ang Viva Films din ang producer ng The Nurse at nakapag-ocular na ang team ni Direk Jun sa Japan at may mga kinausap na silang tao roon para sa schedule ng shoot.

Nagalit na siguro ang direktor dahil hindi nasunod ang schedules.

Ang tanong, ano ang reaksiyon nina Viva Boss Vic del Rosario rito at manager ni Nadine na si Ms Veronique del Rosario-Corpus?

Mukhang inaalat yata si Nadine sa mga direktor, ah? Una si Direk Tonette ang nairita sa kanya, ngayon naman si Direk Jun. Sana wala nang pangatlo.