Ni PNA
INABISUHAN ng Zamboanga City Water District (ZCWD) ang mga nasasakupan nito na magtipid sa paggamit ng tubig ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-araw.
Nag-abiso si ZCWD information officer, Edgar Baños, kasabay ng nararanasang tagtuyot o hindi pag-ulan, ngunit ang lebel ng tubig ng ZCWD’s diversion weir ay nananatiling normal sa 74.2 metro.
Umaasa ang ZCWD sa surface water bilang pangunahing pagkukunan, partikular ang Tumaga River, na kinakailangan ng tubig-ulan upang mapunan.
Sinabi ni Baños sa Philippine News Agency na ang planta ng ZCWD ay patuloy na nag-o-operate sa normal level, nagpoprodyus 70 million liters per day (MLD).
“We are at a regular production mode, but we might not be so sure about what happens in the next couple of weeks.
What I’m saying is, even as things are, we should start conserving water and use water more judiciously,” aniya.
Gayunman, sinabi ni Baños na ang water shortage, kapag nangyari, ay hindi magiging kasing-lala sa nagdaang mga taon dahil ang kasalukuyang supply ng ZCWD ay dinagdagan ng Prime Water, isang pribadong kumpanya.
“If it (tagtuyot) happens, its effect would be minimal than what it was before. We would like to believe that the worse (sitwasyon) is over for ZCWD,” aniya.
Una nang ipinatupad ng ZCWD ang eight-hour every-other-day water-rationing scheme, para lamang makapag-supply ng tubig sa 57,000 aktibong consumers nito.