SEOUL (AFP) – Ngumiti at pumalakpak si North Korean leader Kim Jong Un at sinabing ‘’deeply moved’’ siya sa pagtatanghal ng South Korean K-pop stars sa Pyongyang, iniulat ng state media kahapon.

Hindi pangkaraniwan ang pagdalo ni Kim at ng kanyang misis, ang dating singer na si Ri Sol Ju, sa konsiyerto dahil karaniwang pinipigil ng kanyang authoritarian regime ang pagpasok ng pop culture ng South Korea.

Nakipagkamay pa si Kim, ang unang North Korean leader na dumalo sa palabas ng entertainers mula sa Seoul, sa performers at nagpahayag ng ‘’deep thanks to them,’’ iniulat ng official KCNA news agency ng North.

‘’He said that he was deeply moved to see our people sincerely acclaiming the performance, deepening the understanding of the popular art of the South’s side,’’ sinabi ng KCNA.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang 120-member South Korean group ay nagdaos ng isang konsiyerto nitong Linggo at may isa pang nakatakda ngayong araw.

Nakita sina Kim at kanyang asawa na pumapalakpak sa dalawang oras na okasyon nitong Linggo, na dinaluhan din ng nakababatang kapatid na babae ni Kim na si Kim Yo Jong, at ng ceremonial head of state ng North na si Kim Yong Nam.