WALANG panahon si Cheryl Cole para patulan ang mga usap-usapan tungkol sa relasyon nila ni Liam Payne.

Cheryl at Liam copy

Makaraang kumalat ang mga bulung-bulungan na nag-”cheat” umano si Payne, sa isang dancer, bumuwelta si Cheryl sa pamamagitan ng Twitter nitong Biyernes, Marso 30, na itigil at huwag paniwalaan ang tsismis.

Ayon sa Billboard, sinimulan ni Cheryl ang kanyang social media statement sa pagsasabi na hindi siya “usually... bother to respond to stupid articles.” Gayunman, dagdag niya: “But in my silence, they hold the pen.”

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Patuloy niya sa kanyang pahayag, ang tsismis – na umusbong mula sa isang video na magkasama sina Liam at ang dancer sa Dubai — ay “stupid.” Dagdag pa ni Cheryl: “I can’t ignore this story involving an innocent dancer colleague of Liam‘s who has a fiancé, and dragging them into this desperate attempt to try to cause problems between Liam and I.”

Nagsalita na rin si Cheryl sa media buzz kamakailan tungkol sa umano’y “cozy” na larawan ni Liam kasama si Katy Perry. “I also happen to love Katy Perry,” pagtatapos niya sa kanyang note, at nang may kasamang shrugging emoji para ipagdiinan na hindi ito big deal sa kanya.

Ngunit hindi pa siya tapos magsalita. Sa isa pang tweet, inihayag ni Cheryl na aalis sila ni Liam para ipagdiwang ang holiday. “And the only thing we’re making are memories,” dagdag pa niya. “And breaking is our healthy eating.”

Hindi ito ang unang pagbuwelta nina Cheryl at Liam tungkol sa mga negatibong tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

Nitong nakaraang buwan, tinapos ng One Direction singer ang mga usap-usapan na umano ay tinatangka ni Cheryl na pagselosin siya sa pamamagitan ng pagsama kay Tom Hardy. Una rito, nagsalita rin si Cheryl sa mga espekulasyon na maghihiwalay na silang dalawa.

Ang bottomline? Laging tatandaan na ang hindi lahat ng tsismis ay nag-ugat sa katotohanan. Ang friendly photo ay hindi indikasyon ng romansa, at posibleng magsaya o magsama ang dalawang tao na walang relasyon.

Nagwagi si Cheryl sa round na ito — at nais niyang lubayan na sila ng tsismis na ikinakalat ng publiko.