Ni Aaron B. Recuenco

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na makatutulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila ang pagsugpo sa mga kolorum na bus at iba pang pampublikong sasakyan.

Una nang inatasan ni dela Rosa ang Highway Patrol Group (HPG) upang paigtingin ang anti-colorum operations sa Metro Manila, partikular sa EDSA.

“I am advising them to intercept and impound more to ease EDSA of traffic jams. Continue running after these colorum vehicles,” sabi ni dela Rosa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang tatlong taon na ang nakalipas nang inatasan ang HPG upang tutukan ang pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA.

Ipinag-utos kamakailan ni Pangulong Duterte ang malawakang kampanya laban sa mga kolorum kasunod ng pagbulusok ng isang bus sa Occidental Mindoro na ikinasawi ng 19 na katao, at inatasan ni dela Rosa ang HPG para pangasiwaan ang nasabing kampanya.

Aabot na sa 100 pampasaherong bus ang na-impound ng HPG at ng iba pang police units sa Metro Manila kasunod ng nasabing aksidente sa Occidental Mindoro.