Ni Mina Navarro
Hindi na kailangang kumuha ng work permit ng mga bata na itatampok sa isang documentary material o mga kaugnay na proyekto.
Inilabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Department Circular No. 2, Series of 2018, na nagbabago sa pagsakop at mga kinakailangan para sa pagpapalabas ng permit sa mga batang nagtatrabaho.
Sa ilalim ng bagong patakaran, ang working child permit ay hindi na kinakailangan para sa mga batang talento na itatampok sa mga documentary material.
Gayunpaman, kung ang bata sa documentary material ay nakikibahagi sa child labor, obligado ang producer na i-refer ang bata sa DoLE para sa mga serbisyo na kailangan ng bata at pamilya.
Inaatasan din ang producer na huwag ibunyag ang pagkakakilanlan ng child laborer kasama ang kanyang mga larawan, o footage ng video para sa interes ng menor de edad alinsunod sa Guide for Media Practitioners on the Reporting and Coverage of Cases Involving Children.
Para sa group working permits, dapat mag-isyu ang DoLE ng group permit para sa mga bata na lumalabas sa isang proyekto na sumasaklaw sa mga batang wala pang work permit.