Ni Light A. Nolasco
SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Umaapela ngayon ng tulong ang isang bahay-ampunan sa San Antonio, Nueva Ecija upang makapagpatayo ng karagdagang silid-aralan para sa kapakanan ng mga batang ulila.
Bukod sa tulong ng publiko, nanawagan din si Sister Emane Sarmiento, ng Domican Sisters at nakabase sa Malolos City, Bulacan, sa pamahalaan upang masuportahan ang kanilang religious congregation dahil na rin sa dumadaming bata na nagpapaampon sa kanila.
Sa ngayon, aniya, nasa 43 batang ulila ang kanilang inaalagaan, kabilang na ang siyam na pipi’t bingi na mula sa mahihirap na pamilya.
Matatandaang unang kinanlong ng namayapang si Obispo Sofio Balce, ng Diocese of Cabanatuan City, ang tinukoy na mga batang ulila simula pa noong 2001.